NI: Mary Ann Santiago

Apat na katao, na hinihinalang katatapos lamang bumatak ng shabu, ang naaresto sa anti-criminality campaign ng mga pulis sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Rolando Lomboy Capuso, 42, pedicab driver, ng G. Tuazon Street; Kyle Manlugon Platon, 26, tricycle driver, ng Sta. Teresita Street; Maricel Burdios Arimedo, 40, ng G. Tuazon Street; at Maricris Agapito, 24, ng Domingo Santiago Street, pawang sa Sampaloc.

Batay sa ulat ni PO1 Oscar Cruz, ng Manila Police District (MPD)-Station 4, dakong 2:30 ng umaga nang maaresto ang mga suspek habang nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang mga tauhan ng Lacson Police Community Precinct (PCP), sa Paltoc Street, malapit sa riles ng tren.

Politics

Batikos at sistematikong atake, 'di sapat para mabigo ang OVP —VP Sara

Nadaanan umano ng mga pulis ang mga suspek at dahil kahina-hinala ang kilos ng mga ito ay kaagad na sinita.

Nang kapkapan ay nahulihan umano ng isang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia ang apat kaya kaagad silang inaresto.

Hinala ng mga awtoridad, katatapos lang bumatak ng mga suspek nang maaresto ang mga ito.