Ni: Light A. Nolasco

TALUGTOG, Nueva Ecija - Kalaboso ang isang barangay kagawad makaraang mahulihan ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa search warrant operation ng pulisya sa bahay nito sa Barangay Magsaysay, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni Senior Insp. Ronnel Duque ang suspek na si Abenir Solomon, kagawad ng Bgy. Magsaysay, na nakumpiskahan ng ilang pakete ng shabu at drug paraphernalia sa loob ng kanyang bahay.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) ang inihain laban sa opisyal ng barangay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog