Ni: Ador Saluta

MARAMI ang nagulat sa presence ni Jason Francisco sa taping ng Alyas Robinhood 2 sa GMA-7.

Nakita sa post ng komedyanang si Tess Bomb noong July 24 si Jason na kasama nila sa taping ng seryeng pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

JASON DINGDONG AT TESS BOMB copy copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinagot ni Tess Bomb ang mga curious questions ng kanyang followers na nakakita kay Jason sa photos. Kinumpirma ni Tess Bomb na kasama nga si Jason sa serye.

“Oha!!! Abangan ang pilot episode guesting namin ni Jason sa Alyas Robin Hood. Yes, siya nga si Jason ni Melai.

Please watch po kayo ah, pilot episode,” ani Tess Bomb sa isa sa sunud-sunod na post niya.

Si Jason at asawang si Melai Cantiveros ay nag-umpisang makilala at sumikat nang maging housemate sa Pinoy Big Brother ilang taon na ang nakararaan. Dating napapanood sa Banana Sundae si Jason at nakasama rin sa fantaseryeng My Super D last year starring Dominic Ochoa.

Wala pang official announcement si Jason tungkol sa kanyang Alyas Robin Hood guesting at kung bakit siya biglang nag-ober da bakod.