BRUNO MARS copy

Ni: MB Entertainment

EXCITED na ang fans ni Bruno Mars sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas para muling mag-concert.

Opisyal nang inihayag ng promoter ng show na MMI Live ang balitang ito kahapon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dadalhin ng singer ang kanyang 24K Magic World Tour sa bansa sa susunod na taon.

Sa wakas ay mabibigyan na ng pagkakataon ang Hooligans (mga tagasuporta ni Bruno Mars) na mapakinggan ang Grammy winner na kantahin ang kanyang latest hits na That’s What I Like, Versace on the Floor, at Uptown Funk ng live sa Mall of Asia Arena sa Mayo 3, 2018.

Hindi pa ipinahayag kung magkano ang tickets ng concert ng singer-songwriter na maaari nang mabili simula sa Setyembre 7.

Nagtanghal na si Mars, na half-Filipino, half-American ng kanyang unang concert sa Manila noong Marso 22, 2014.