Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY - Muli na namang nakakumpiska ang intelligence unit ng Tarlac City Police ng mahigit 100 kilong botcha o double-dead meat na ide-deliver sana sa Tarlac City Uptown Public Market sa Barangay Mabini, Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa report, ang nasabing mga karneng botcha ay pag-aari ni Adrian Bondoc, 18, ng Sitio Paroba 2, Bgy. Tibag, na naaresto ng pulisya bagamat nakatakas ang kasamahan nitong si Marilou Macapagal, 37, ng Sitio Allied, Bgy. San Rafael.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog