NI: Jean Fernando at Bella Gamotea

Hinatulan ng Parañaque City Regional Trial Court ng habambuhay na pagkakakulong ang limang Taiwanese na pawang guilty sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002.

Life imprisonment ang inihatol ni Judge Danilo Suarez, ng Paranaque City RTC Branch 259, kina Yu Teng Cheng; Horng Jeng Tsai; Kun Lin Yu; Yung Chun Huang at Yun Pong Hsu.

Bukod diyan, pinagbabayad din ni Suarez ang mga akusado ng tig-P4 milyon para sa moral damages.

Iniutos ni Suarez sa Intensive care Area (SICA-1) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ang agarang paglipat ng mga akusado sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

National

Liberal Party sa paggunita ng EDSA 40: 'Hindi alaala lamang, isa itong tungkulin!'