Ni: Orly L. Barcala

Arestado ang dalawang babae na kapwa naaktuhang pinipitik at tila ipinagyayabang ang pakete ng umano’y shabu sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 (illegal possession of dangerous drugs) ang isinampa laban kina Evangeline Manalo, 50, ng No. 42 Doha Juana Subdivision, Barangay Dampalit; at Adalia Payumo, 46, ng Bgy. Hulong Duhat ng nasabing lungsod.

Ayon kina PO3 Raymond Siatrez at PO1 Ana Isabel Lasquite, ng Malabon Police, nagpapatrulya sila sa Gervacio Street, Hulong Duhat, bandang 7:00 ng umaga.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Nilapitan sila ng isang pedicab driver, hindi nagpabanggit ng pangalan, at sinabing may dalawang babae na nagyayabang ng shabu.

Dahil dito, pinuntahan nina PO3 Siatrez at PO1 Lasquite ang nasabing lugar at nahuli sa akto ang mga suspek na may hawak na shabu.