CLEVELAND (AP) — Wala nang halimuyak si Rose sa Garden. Ngayon, nasa Cleveland ang tsansa para sa muling pamumukadkad ng career ng one-time MVP na si Derrick Rose.

ROSE copy copy

Pormal na lumagda ng isang taong kontrata para sa veteran minimum na US$2.1 milyon ang All-Star guard nitong Lunes (Martes sa Manila), ayon sa panayam ng Associated Press sa isang opisyal na may direktang kinalaman sa uapin.

Inaasahang ihahayag ng Cavaliers ang isyu sa Miyerkules.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Isang ganap na free agent si Rose matapos ang huling taon sa New York Knicks kung saan naitala niya ang averaged 18 puntos at 4.4 assist. Wala pang malinaw na detalye kung ano ang magiging papel ng 28-anyos na si Rose na pinababa ang career sa nakalipas na taon bunsod ng samu’t saring injury. Posible siyang maging back-up o starting point guard depende sa magiging desisyon ng Cavs kay All-Star guard Kyrie Irving na kamakailan lamang ay humiling ng trade.

Kung mananatiling malusog ang panganggatawan, malaking bagay sa Cavs si Rose na isang palaban at dynamic scorer.

Matapos lumutang ang isyu hingil sa posibilidad na pagpunta ni Rose sa Cleveland, kaagad na naglabas ng mensahe si LeBron James sa kanyang Twitter account kasama ang limang emojis na rose: "Let's Rock G!!"

Ilang koponan din ang nagpahayag ng interest kay Rose, ngunit mabilis ang pakikipagpulong niya sa Cleveland na pinangangasiwaan ngayon ng bagong general manager na si Koby Altman.

Nasa ikawalong season si Rose mula nang kunin bilang No.1 overall pick ng Chicago Bulls noong 2008 Drafting.

Tinanghal siyang MVP noong 2011, ngunit hindi nakalaro ng 2012-13 season bunsod ng surgery sa tuhod.

Samantala sa San Antonio, lumagda ng contract extention sa Spurs si Pau Gasol.

Tangan niya ang averaged 12.4 puntos at 7.8 rebound sa nakalipas na season.