ni Nora Calderon

MAKIKITANG happy si Inah de Belen sa kanyang career nang makausap namin recently.

After nga raw ng Encantadia kahit wala pa siyang kasunod na project (meron na pero hindi pa puwedeng sabihin ng kanyang handler sa GMA Artist Center), hindi naman siya nababakante dahil lagi siyang guest sa mga show ng GMA-7. Mamayang hapon nga, first time nilang magsasama sa isang comedy series na Dear Uge ng mommy niyang si Janice de Belen.

Janice at Inah
Janice at Inah
“Na-excite po ako nang malaman kong makakasama ko na si Mommy sa isang project,” sabi ni Inah. “Siyempre, may nerbiyos, mabuti na lang at comedy nga ang story, isa akong student na nakaklase ko ang mommy ko. Abangan na lang po ninyo, riot ang mga eksena namin.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Hindi rin ikinaila ni Inah na happy siya sa pagmamahal ng boyfriend na si Jake Vargas na regular namang napapanood sa Pepito Manaloto. Excited nga raw siya dahil tinawagan na siya para mag-guest sa family comedy show every Saturday evening. Kumusta naman, naipakilala na ba niya si Jake sa family niya?

“Sa Mom ko po, naipakilala ko na siya, okey sila. My dad, hindi pa niya nami-meet. Okey din si Jake sa mga sisters at sa brother ko.”

Sa pamilya ni Jake, naipakilala na rin ba siya?

“Yes, noon pong birthday ni Jake ng July 9. Isinama niya ako sa Olongapo kaya na-meet ko ang buo niyang family. Mababait silang lahat sa akin.”

Looking forward si Inah na muli silang magkatambal ni Jake sa susunod niyang project sa GMA 7.