Rose, napipintong bumukadkad muli sa Cleveland

CLEVELAND (AP) — Seryoso ang Cavaliers na makabalik sa NBA Finals at makabawi sa karibal na Golden State Warriors.

At malaking tulong sa opensa ng Cavs ang magilas na si Derrick Rose.

Puspusan na ang negosasyon ng pamunuan ng Cleveland para makuha sa New York Knicks ang free agent guard at one-time MVP.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

New York Knicks guard Derrick Rose (25) drives to the basket against the Boston Celtics during the second half of an NBA basketball game in Boston, Wednesday, Jan. 18, 2017. Rose scored 30 as the Knicks defeated the Celtics 117-106. (AP Photo/Charles Krupa)
New York Knicks guard Derrick Rose (25) drives to the basket against the Boston Celtics during the second half of an NBA basketball game in Boston, Wednesday, Jan. 18, 2017. Rose scored 30 as the Knicks defeated the Celtics 117-106. (AP Photo/Charles Krupa)

Ayon sa panayam ng Associated Press (AP) sa isang opisyal na may direktang kinalaman sa isyu nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), pinaplantsa na lamang ang ilang gusot para madala si Rose sa Cleveland.

Posibleng palagdain si Rose, nanamlay ang career bunsod nang magkakasunod na injury sa nakalipas na mga taon, ng one-year veteran minimum contract, ayon sa source na hiniling na huwag pangalanan.

Malaki ang bagahe sa ‘salary cap’ ng Cleveland at ang naturang kontrata ang tanging mai-aalok kay Rose na tumanggap ng US$21.3 milyon sa New York sa nakalipas na season kung saan nakalaro lamang siya ng 64 na laro.

Naunang naiulat ng ESPN.com ang kagustuhan ng Cavs’ na makuha ang 28-anyos na ‘high-flying guard’. Maging ang Los Angeles Lakers,ay nagpahayag din ng interest sa All-Star guard.

Sa kabila ng katotohanan na nabawasan ang kanyang tikas kumpara noong 2011 kung saan nakamit niya ang MVP honor sa Chicago Bulls, maituturing pa ring supertar at offensive threat si Rose na makatutulong sa bagahe ni LeBron James.

Kamakailan, lumagda ng kontrata sa Cavaliers si free agent Jose Calderon para maging backup ni All-Star point guard Kyrie Irving. Kung nasa tamang kalusugan ang pangangatawan ni Rose, higit siyang maaasahan kumpara sa 34-anyos na si Calderon.

Samantala sa Miami, mananatiling Heat si Udonis Haslem sa kanyang ika-15 season sa NBA.

Lumagda ang three-time NBA champion ng isang taong kontrata na nagkakahalaga ng US$2.3 millyon para selyuhan ang katayuan bilang natataging player na naglaro ng may pinakamahabang season sa kasaysayan ng prangkisa.

Sa kasalukuyang mga aktibong player, tanging sina Dirk Nowitzki, Tony Parker at Manu Ginobili ang mga player na nakapaglaro sa isang koponan sa loob ng 15 taon.

“It is a great, great, day to have Udonis Haslem sign a contract for his 15th season with the Miami Heat,” pahayag ni Heat team president Pat Riley. “He isn’t just Mr. 305, he is a true patriarch of the team. Today we are proud to announce that he is back to lead the Heat again,” aniya.

Si Haslem at Dwyane Wade ang tanging player na kabilang sa tatlong kampeonato ng Heat noong 2006, 2012 at 2013.