Ni: Light A. Nolasco

SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija – Hindi nakapalag sa umaarestong barangay tanod ang isang magka-live-in makaraang maaktuhan sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa Barangay Mangandinsay sa Science City of Muñoz, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Albert Balajadia y Daban, 22; at Kathleen Quintoy y Aniente, 24,kapwa taga-Bgy. Matias, Talavera, na umano'y dumayo sa lugar.

Ayon kina John Cadiente at Lejardo Mateo, nagrorondang tanod, nakumpiska nila mula sa mga suspek ang apat na rim ng pekeng Marvel Menthol cigarettes, apat na rim ng pekeng Marvel Filter Kings cigarettes, at pitong rim ng Mighty Full Flavor.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog