NI: Fer Taboy

Patay ang dalawang tauhan ng Philippine Marines matapos tambangan ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Roxas, Palawan, kahapon ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang ambush dakong 7:30 ng umaga sa Purok Magsarungsong, Barangay Magara sa Roxas, Palawan.

Ayon kay Senior Supt. Gabriel Lopez, director ng Palawan Police Provincial Office (PPPO), kinilala ang mga biktimang sina Private First Class Joene Gagogas Galiste, at Private James Melchor Porol.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ni Lopez na pauwi galing sa palengke ang dalawang sundalo nang tambangan ng mga rebelde.

Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya na namatay ang dalawang sundalo sa mga tama ng bala mula sa .9mm caliber at .45 caliber pistols, na nasamsam din ng mga otoridad.