Ni: Liezle Basa Iñigo

Apat na katao ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Isabela, CIDG-Cagayan, at Isabela Police Provincial Office, sa Oplan Kontra Boga.

Magkakasunod na ipinatupad ang search warrant laban sa mga suspek sa Barangay San Vicente, San Pablo, Isabela, dakong 8:00 ng umaga kahapon.

Naaresto sina Orland Curibang, Jeremy Curibang, Arjay Engaran, at Jayson Villegas Santos, pawang taga-Bgy. San Vicente, San Pablo, Isabela, sa illegal possession of firearms.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito