Ni: Fer Taboy

Nakarekober ang pulisya ng mga baril at maraming bala sa search operation sa bahay ni Marcos, Ilocos Norte Mayor Jessie Ermitanio.

Sinalakay ang bahay ng alkalde sa bisa ng 12 search warrant, ayon kay Supt. Amador Quicho, hepe ng Provincial Public Safety Company (PPSC).

Giit naman ni Ermitanio, pawang lisensiyado ang mga baril na nakumpiska ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) sa pagsalakay sa kanyang bahay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kabilang sa mga nasamsam ang .45 caliber pistol, AK47 armalite, shotgun at sari-saring bala.