LONDON (AP) — Bawat season, asahan ang matikas na Venus Williams sa Wimbledon.

Sa pinakabagong ratsada sa All England Club, pinaluha ng American star ang crowd nang biguin ang hometown bet na si Johanna Konta, 6-4, 6-2, sa semifinals nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Venus Williams (USA) in action against Johanna Konta (GBR) in the Ladies' Singles semi-finals on Centre Court. The Championships 2017 at The All England Lawn Tennis Club, Wimbledon. Day 10 Thursday 13/07/2017. Credit: AELTC/Florian Eisele.
Venus Williams (USA) in action against Johanna Konta (GBR) in the Ladies' Singles semi-finals on Centre Court. The Championships 2017 at The All England Lawn Tennis Club, Wimbledon. Day 10 Thursday 13/07/2017. Credit: AELTC/Florian Eisele.

Sa edad na 37, ito ang ikasiyam na pagkakataon na sasabak ni Williams sa title match at kauna-unahan mula noong 2009.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Siya rin ang pinakamatandang finalist sa Wimbledon mula nang magawa ni Martina Navratilova na sumegunda rito noong 1994.

Tinuldukan ni Williams ang ‘Konta-Mania’ at biguin ang karibal sa kampanya na maging kauna-unahang British woman sa nakalipas na 40 taon na magwagi ng Grand Slam tournament ng bansa.

“I couldn’t have asked for more, but I’ll ask for a little more. One more win would be amazing,” pahayag ni Williams.

“It won’t be a given, but I’m going to give it my all.”

Target ni Williams na makopo ang ikaanim na Wimbledon championship at ikawalong Grand Slam singles trophy sa kabuuan.

Huli siyang nagtagumpay noong 2008 nang gapiin ang nakababatang kapatid na si Serena. Matapos ang isang taon, nabawian siya ni Serena.

Marami ang may agam-agam na hindi na magtatagal ang career ni Willliam nang ma-diagnosed siyang may Sjogren’s syndrome – nagdudulot nang paghihina at pananakit ng mga kasukasuhan. Ipinapalagay ang maaga niyang pagreretiro bunsod na rin nang sunod-sunod na kabiguan sa maagang pamamaraan sa major tournaments.

Ngunit, nagbalik ang dating tikas ni Williams sa nakalipas na taon nang makarating siya sa semifinals. Sa Australian Open nitong Enero, umabot siya sa finals, ngunit nabigo sa kamay ng kanyang kapatid.

Hindi nakalaro si Serena sa Tour sa kabuuan ng taon bunsod nang pagbubuntis.

Makakaharap niya sa championship sa Sabado (Linggo sa Manila) ang 14th seeded na si Garbine Muguruza ng Spain.

“She knows how to play, especially Wimbledon finals,” sambit ni Muguruza, 2015 Wimbledon runner-up at 2016 French Open champion.

Ginapi ni Muguruza si 87th-ranked Magdalena Rybarikova ng Slovakia 6-1, 6-1 sa hiwalay na semifinal.