KALIBO, Aklan - Hihingi ng tulong si Kalibo Mayor William Lachica sa pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para resolbahin ang matinding baha sa kanyang bayan.

Ito matapos na bahain ang ilang ma-traffic sa lugar sa Kalibo, gaya ng Crossing Banga at Kalibo Public Market nitong Martes ng hapon.

Tinatayang umabot sa apat na pulgada ang taas ng baha bandang 5:00 ng hapon.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaagad na nag-inspeksiyon si Lachica sa ilang lugar sa Kalibo, at inatasan ang lokal na pamahalaan na agarang aksiyunan ang problema para maibsan ang pagbabaha sa susunod na pag-ulan.

Ayon kay Lachica, hindi kinaya ng drainage ng Kalibo ang lakas ng ulan kaya binaha ang munisipalidad.