Ni JIMI ESCALA

PARA kay Boy Abunda, forever na ang pagiging magkaibigan nila ni Kris Aquino. Wala nang maaari pang bumago sa anumang nabuong samahan o relasyon nila.

KRIS AT BOY copy copy

Sa Aquino & Abunda Tonight talk show ng ABS-CBN huling nagkasama sina Kris at Boy. Isang taon na ang nakararaan simula nang lisanin ni Kris ang Dos.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

At ngayon ay may kumakalat na isyung kesyo hindi na raw maganda ang relasyon ng dalawa. Hindi raw kasi kasama si Kuya Boy sa mga inimbitahan ng Queen of All Media sa house blessing nito.

“Well, I’d like to think that we have a special time for our friendship. Hindi din talaga ako mahilig sa party. Pero nag-usap naman kami at ang sabi ko nga sa kanya in about two to three weeks, eh, darating ako sa bagong bahay niya para makikain,” sey ng King of Talk.

Dagdag pa ni Kuya Boy, hindi basta-basta masusukat ang pagiging magkaibigan ng dalawang tao sa mga ganoong bagay.

Ang hindi raw niya pagdating sa naturang okasyon ni Kris ay hindi nangangahulugan na may nangyari nang hindi maganda sa friendship nila.

“Sa totoo lang naman, eh, hindi naman nasusukat ang pagiging magkaibigan sa pagdating o pagdalaw sa bahay dahil hindi naman natatapos ang buhay sa gano’n.

“May darating pang bukas at may isa pang araw para magkita-kita. Pero walang nagbabago sa aming pagiging magkaibigan ni Kris,” klarong paliwanag ng hari ng talk shows.