NI: Liezle Basa Iñigo

Tatlong katao, kabilang ang isang motorcycle rider, ang kaagad na nasawi makaraang makasalpukan ang isang Toyota Hi-Ace sa national highway ng Barangay Tuao South sa Bagabag, Nueva Vizcaya, nitong Lunes ng madaling araw.

Sa report kahapon ng Police Regional Office (PRO)-2, nabatid na nangyari ang aksidente dakong 3:30 ng umaga nang bumangga ang Kawasaki motorcycle na minamaneho ni John Rey Miguel, 20, ng Bgy. San Manuel, Echague, Isabela, sa Toyota Hi-Ace na minamaneho ni Francis Agbayani, 33, ng Bgy. Marede, Santa Ana,Cagayan.

Dead on the spot si Miguel, habang sa ospital naman binawian ng buhay ang dalawang angkas niya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sugatan at isinugod din sa ospital si Agbayani.