Ni NITZ MIRALLES

PARE-PAREHO ang reaction ng mga nakabasa sa magkasunod na posts ni Tony Calvento sa Facebook tungkol sa rape case laban kay Vhong Navarro na isinampa ni Deniece Cornejo noong February 27, 2014.

DENIECE copy

“Hindi pa pala tapos ang kaso,” karamihan sa nababasa naming reaction.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ipinost din ni Tony Calvento ang tinawag niyang reproduction ng complaint affidavit ni Deniece na mahaba, kaya ang hirap basahin faithfully, gaya ng suggestion ni Mr. Calvento.

Sa nabasa namin, parang may mga nadagdag na reklamo si Deniece laban kay Vhong. Ang ikinabahala ng supporters ni Vhong ay ang ipinost pa ni Mr. Calvento in all caps na, “THIS COMING WEEK VHONG NAVARRO WILL BE ARRESTED.”

Kaya may mga nanawagan na ng “Justice for Vhong” at unfair daw ang nangyayari at ginagawa sa kanya.

Mahirap mag-comment at magbigay ng opinion sa kasong ito, kaya ang puwede lang ang aming isinulat. Saka, ang magagawa na lang nating mga walang alam sa kaso ay maghintay sa mga susunod na mangyayari.

Naisip lang namin, may upcoming movie sa Regal Entertainment si Vhong, ang Woke Up Like This kapareha si Lovi Poe. Ang alam namin, malapit na ang showing ng pelikula at sa katunayan ay naglabas na ng teaser ang Regal. Sana hindi maapektuhan ang showing nito.

Regular ding napapanood si Vhong sa It’s Showtime, pero gaya ng dati, susuportahan siya ng mga kasama sa show at ng ABS-CBN.