Ni ADOR SALUTA

IKINUWENTO ni Daniel Padilla sa isang panayam kung bakit laging una sa kanya ang pamilya kahit pa lumaki siya sa pag-aaruga ng kanyang single mom, si Karla Estrada.

“Dahil gina-guide ako ng nanay ko. Gina-guide kami ng nanay namin na ganu’n dapat, hindi puwedeng kaming magkakapatid hindi dapat kami parang hindi magkakakilala. Gusto talaga niya parang sobrang intact kami.

Daniel at  Karla
Daniel at Karla
“Sa pamilya namin ganu’n talaga. Hindi kami sanay na konti lang kami sa bahay, talagang jampacked kami sa bahay lagi. Ganu’n kami nasanay. Ako, nanay ko pinapagalitan ako hanggang ngayon ‘pag nakikita niya na hindi ko pinupuntahan ‘yung mga kapatid ko. Nagagalit ‘yun. Hindi puwede sa kanya ‘yung ganu’n,” bungad ni DJ (palayaw ni Daniel). Gaya ng kanyang mga tito sa showbiz, machong-macho ang pang-labas na anyo ng young actor, pero aniya’y likas siyang affectionate sa lahat.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Malambing talaga ako. Sa ermat ko sakto lang. Na-o-awkward ako sa ermat ko, eh,” natawang sabi. “Pero malambing talaga ako sa mga tao. Depende sa mood ko. ‘Pag hindi ako malambing, sobrang kulit ako,” tumatawa pa rin sabi.

Alam naman ng lahat na naging inspirasyon niya sa buhay at career ang kanyang ka-love team sa La Luna Sangre na si Kathryn Bernardo at sabi ng binatang aktor, going as strong ang kanilang relasyon.

Inamin ni DJ na dahil kay Kathryn ay mas naging mature siya.

“Siguro may mga decisions ako na na’turo ni Kathryn na huwag ganu’n, mali ‘yan ‘pag ganyan. Maraming naituro sa akin si Kathryn, Diyos ko. Pagdating sa pag-handle ng mga babae, ganyan, tinuturuan pa niya ako.”

Limang taon na silang magkasama at impressed siya sa maturity and growth ng kanyang reel and real life leading lady.

“Sa pagkatao niya nakikita ko na ‘yung maturity sa kanya sa lahat ng bagay. Sa mga problema niya kung paano niya iha-handle. Kasi before ‘pag may problema sobrang hindi niya kinakaya. Ang tendency umiiyak siya or magagalit siya. Ngayon cool na lang siya. ‘Yan ‘yung laging pinapaalala ko sa kanya, ‘Pag may problema pag-isipan mo lang muna. Hindi mo kailangan mag-panic kaagad. Laging isip, relax. Kung ano sa tingin mo ang tama, ‘yun ang gawin mo.

“Laging ganu’n lang naman. Pati sa mga tao iba na siya mag-handle ng mga tao ngayon, sa mga fans iba na rin. Talagang siya na ‘yung nag-iisip kung ano ‘yung mga dapat gawin. Nag-uusap kami pero it comes naturally kay Kathryn dahil napakabuting tao naman niya,” pagtatapos ng binatang aktor.