Butchered pawikan copy

Ni: Aaron Recuenco

Maaaring makulong ng 12 taon ang dalawang mangingisda, at posibleng pagmultahin pa ng hanggang P5 milyon, matapos na makumpiska ang ilang patay na pawikan sa kanilang bangkang de-motor sa Dumaran, Palawan.

Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, director ng Police Regional Office (PRO)-4B, nasamsam mula sa mga suspek ang 70 patay na pawikan, na isang endangered species at protektado ng batas.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kalaunan, nakumpirmang ang mga pawikan ay mga Hawkbill turtles, na karaniwang matatagpuan sa Romblon at itinuturing na critically endangered.

Kinilala ni Chief Supt. Mayor ang mga naaresto na sina Rico Gonzales, 27; at Kim Aristotiles, 28, kapwa taga-Taytay, Palawan, kung saan nanggaling ang mga pawikan.