Ni: Jun Fabon

Magkakasunod dinakma ang 17 drug suspect kasabay ng pagpapasara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Drug Abuse Prevention and Control Office (DAPCO) sa tatlo umanong drug den sa Muntinlupa City kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña, ang mga inaresto na sina Bonna Calopez, Anna Grace Go, Michael Mojico, Evangeline Calalang, Antonio Jaime, Junior Palisoc, Jerry Quitlong, Wilma Hagad, Analiza Dahil, Irene Adolfo, Melanie Tanjueco, Medello Tutor, Jr., Reymart Villaroel, Romeo Magno, Mamer Jomer Pajela, Ryan Esporlas, at alyas Andy, sa pagsalakay sa tatlong sinasabing drug den na matatagpuan sa Bombasi Compound at Marquez Compound, PNR Site, Barangay Putatan, Muntinlupa.

Nakuha sa mga suspek ang mahigit 50 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P250,000.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez