Ni: Bella Gamotea

Naghihimas ng rehas ang isang lalaki sa pagbibitbit ng baril sa isang gasolinahan sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Nasa kustodiya ng Pasay City Police ang suspek na si Hilario Cosme, 45, ng Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Catalino Gazmen, Jr., namataan ng mga tauhan ng Tactical Motorcycle Reaction Unit (TMRU) si Cosme na may bitbit na shotgun sa gasoline station sa Barangay 83, bahagi ng EDSA sa nasabing lungsod, pasado 12:00 ng madaling araw.

Nagpakilala umano si Cosme bilang sekyu, ngunit nang hanapan ng lisensiya ay wala siyang maipakita.

National

ICC Prosecution, sumagot sa pahayag ni Kaufman tungkol sa mga binitawang salita ni FPRRD

Inaalam na ng awtoridad kung may kaukulang lisensiya ang dala nitong baril.

Posibleng maharap si Cosme sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).