Ni: Jun Fabon

Kasong grave misconduct, abuse of authority at oral defamation ang isinampa kahapon ng isang guro laban sa isang barangay chairman sa Pasay City.

Sa walong pahinang reklamo ni Joffrey P. Quinsayas, guro sa Rivera Village Elementary School, Marigold Street, Naia Village, Pasay City, nilabag ni Daniel Detera, kapitan ng Brgy. 199 Pasay City, ang Article 353 in relation to Article 358 ng revised penal code.

Hunyo 19 ng kasalukuyang taon, sumugod sa nasabing eskuwelahan si Detera kasama ang apo na umano’y ginigipit ni Quinsayas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi umano ng akusado na dapat isailalim sa drug test ang teacher dahil gumagamit ito ng ipinagbabawal na droga, at narinig din umano ng mga kapwa guro ni Quinsayas ang pagmumura ng kapitan.