Ni: Jun Fabon

Hindi nakapalag ang mag-live-in partner nang mabisto ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District-District Special Operation Group (QCPD-DSOU), QC Anti-Carnapping at LTO-NCR ang ilegal nilang negosyo, kahapon ng umaga.

Kinilala ni QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga suspek na sina Kristine Nemenzo at Jahaliel Alcantara.

Ayon sa hepe ng DSOU na si Police Supt. Rogarth Campo, bandang 8:30 ng umaga sinalakay ang negosyo ng mga suspek na Ezekiel’s Embossed Design sa No. 09 Dove Street, Sitio Veterans, Barangay Bagong Silangan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nakumpiska sa mga suspek ang 29 na motor vehicle plates, 30 pcs steel sheet plates, steel plate press, book record, plates lay-out at isang Volkswagen at motorsiklo na kinabitan ng pekeng plaka.