Ni: Liezle Basa Iñigo
Kinondena ng pamunuan ng 5th Infantry Division ng Philippine Army sa Gamu, Isabela, ang pagsunog ng New People’s Army (NPA) sa mga heavy equipment sa Barangay Cabua-an sa Maddela, Quirino nitong Lunes.
Itinuturing ng 502nd Infantry Brigade ng 5th ID na pananabotahe sa proyekto ng lokal na pamahalaan ang panununog umano ng NPA sa dalawang mixer, dalawang backhoe at isang pison.
Pinaniniwalaang ginawa ng mga rebelde ang panununog dahil hindi napagbigyan ang mga ito sa pangingikil sa mga nagmamay-ari ng mga heavy equipment.