NI: Nitz Miralles

WALANG duda, gustung-gusto talaga ng publiko ang beauty ni Kim Domingo.

Nai-report sa 24 Oras Weekend nitong nakaraang Linggo na successful ang book launch and signing ni Kim Domingo ng photo book niyang Kim Domingo: State of Undress sa National Bookstore Glorietta 1 noong Sabado, July 1. Kita sa video ang maraming taong dumating sa event at nagpapirma ng copy nila ng photo book.

KIM copy copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Na-highlight ang magandang mukha ni Kim sa photo book at labas na labas ang kaseksihan at ang 34-26-36 vital stats.

Ang ipinagmalaki ng dalaga, kahit super sexy ang photos niya, walang nakitang pribadong parte ng katawan.

Tinanong si Kim kung sino ang tatlong lalaki na bibigyan niya ng kanyang photo book.

“Una, si Dennis Trillo dahil dream ko siyang makatrabaho at natupad ‘yun sa Juan Happy Love Story. Bibigyan ko rin sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.”

Nalaman namin kay Lolit Solis na dinalaw ni Kim sa detention center ang dalawang former senators na nagpasalamat. At least, si Kim dumalaw kahit hindi masyadong close kina Bong at Jinggoy, ‘yung ibang mas close sa dalawa hindi pa nakakadalaw at tila walang balak dumalaw.

Anyway, ngayong araw na ang last taping day ni Kim ng afternoon series na D’ Originals, pero walang dapat ikalungkot ang kanyang fans. Napapanood pa rin si Kim sa Bubble Gang at soon sa The Good Teacher na pinagbibidahan ni Marian Rivera. Malaki ang pasasalamat ni Kim kay Marian dahil personal choice siyang makasama sa bagong show nito sa GMA-7.