Ni REGGEE BONOAN

IKINUWENTO ni Beauty Gonzales sa ABS-CBN News ang labis-labis na pagpapasalamat niya sa sunud-sunod na blessings na dumating sa buhay niya ngayon lalo na ang ikalawang pagkakataon na ibinigay sa career niya.

BEAUTY copy

Inakala kasi niya nang magbuntis siya na hindi na siya makababalik sa showbiz. Bihira naman talaga ang nabibigyan ng second chance sa mga artista. Kaya overwhelmed ang aktres nang banggitin sa kanya na kasama siya sa seryeng Pusong Ligaw (napapanood sa hapon pagkatapos ng It’s Showtime).

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Ito na, nangyayari na talaga,” sabi ni Beauty. “I mean, lahat ng wishes ko nangyayari. To have a family, and also my career is back.

“Parang everything is going so well, happy lang sa personal life dahil nandiyan ang family ko, ang asawa ko (si Norman Crisologo) at ang anak namin (Baby Olivia), ‘tapos na-revive pa ang career ko, so kumpleto na.”

Naikuwento rin ni Beauty na kasundo niya ang mga anak ng asawa sa una.

“Masaya kasi they told me na they’ve never seen their dad so happy with me, na ngayon lang nilang nakitang sobrang masaya si Norman.

“And they are very supportive at nakakatuwa kasi kumpleto sila sa wedding and they are all very nice to me, pati ang family ni Norman. Thank you, kasi I do really love Norman and I want to be with him forever.”

Samantala, gustung-gusto ng mga sumusubaybay ng Pusong Ligaw ang mga balitaktakan nina Tessa (Beauty) at Marga (Bianca King).

At sa muling pagkikita nina Beauty at Caloy (Joem Bascon) ay nabuhay ang damdamin nila sa isa’t isa pero halata namang iniiwas ng una ang sarili. Inaabangan kung hanggang kailan niya ito makakayang kontrolin.