Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

ni Nitz Miralles

MULING nag-renew ng kontrata sa GMA Network si Solenn Heussaff at natutuwa sa kanya ang Kapuso fans dahil nananatili siyang loyal sa network na unang kumuha sa kanya.

Naalala namin ang sinabing rason ni Solenn kung bakit loyal siya sa home network niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Masaya ako rito. I’m happy with the management and with the people I’ve worked with. Masaya rin ako sa shows na ibinibigay nila sa akin, different ang roles ko and I can experiment at nagagawa ko ang gusto ko,” sabi ni Solenn.

Sabi ng manager ni Solenn na si Leo Dominguez, may bagong show sa Siyete ang alaga niya. Nasulat nang kasama si Solenn sa cast ng Book 2 ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes. May storycon na sana ito last month, pero hindi natuloy dahil hindi pa rin kumpleto ang cast.