Ni ORLY L. BARCALA

Nagkahati-hati ang bangkay ng isa umanong drug pusher nang sumabog ang hawak nitong granada sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, ang suspek sa alyas na Pido, tinatayang nasa edad 30-40, ng Phase 8, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Ayon kay Bersaluna, may tumawag sa North Caloocan Police at isinumbong ang suspek sa pagbebenta ng shabu sa kanilang lugar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad namataan ni Pido ang mga rumespondeng pulis kaya kumaripas ito sa kanyang bahay at nagkaroon ng panandaliang habulan.

Ibabato na ng suspek ang granada sa mga pulis na naging maagap at binaril ang una hanggang sa masabugan.

Ayon kay Antonio Antipoja, purok leader, hindi nila kilala ang suspek dahil bagong salta lang ito sa lugar.

Narekober sa pinangyarihan ang pin ng granada, dalawang bala ng shotgun, drug paraphernalia at tatlong pakete ng umano’y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P50,000.