Ni: Light A. Nolasco

PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Arestado ang limang lalaki dahil sa pamumutol ng mga punongkahoy nang walang permiso mula sa Department of Environment & Natural Resources (DENR) sa Barangay Imelda Valley sa Palayan City, Nueva Ecija, nitong Martes ng hapon.

Sa ulat kay City Mayor Adriane Mae Cuevas, kinilala ang mga naaresto na sina Norman Manuel Torres, 48, ng Bgy. East; Loniel Pajimna Serrano, 56, ng Bgy. Padolina; Johnny dela Rosa Budoc, 42; Norvin Marahan Ginez, 32, kapwa taga-Bgy. Rio Chico, pawang sa bayan ng Gen. Tinio; at Jovito Tuliao Martinez, 53, kawani ng siyudad at taga-Bgy. Sapang Buho.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog