SYDNEY (AFP) – Kinasuhan ng patung-patong na kasong child sex abuse ang finance chief ng Vatican na si Cardinal George Pell sa Australia kahapon, ayon sa pulisya.

“Victoria Police have charged Cardinal George Pell with historical sexual assault offences,” sabi ni Deputy Commissioner Shane Patton sa reporters. “There are multiple complainants relating to those charges.”

Ang 76-anyos na pinakamataas na Catholic cleric sa Australia, ay kinailangang humarap sa Melbourne Magistrates Court sa Hulyo 18 para sa pagdinig. Itinanggi ni Pell ang lahat ng akusasyon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'