Ni: Orly L. Barcala

Madugo ang pagkamatay ng hinihinalang drug pusher nang makipagbarilan sa mga pulis, habang arestado ang walong iba pa, sa anti-drug operation sa Valenzuela City kamakalawa.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Ronaldo O. Mendoza ang napatay na suspek na si Arnold Mengullo, 50, ng No. 110 Bagong Kaunlaran, Barangay Paso De Blas ng nasabing lungsod.

Paglabag naman sa Article 11 R.A. 9165 ang isinampang kaso laban sa mga inaresto na sina Cristina Amalingan, alyas Tomboy, 50; Peejay Mengullo, 34; Jing-Jing Alimoot, 29; Joan Bajit, 36; Billy Joe Obedoza, 20; Jayson Sambilay, 49; Bernel Obedo, 27; at Marlon Yoldi, 29, pawang taga-Bagong Kaunlaran, Bgy. Paso De Blas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20