aWRA copy copy

Ni REGGEE BONOAN

ISANG taon pa lang sa showbiz si Awra Briguela also known as Makmak sa aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano pero dahil masipag at matiyaga ay nakapagpundar na agad ng sariling bahay.

Batang Pasay si Awra at dahil masinop sa mga kinikita sa serye, TV guestings at TV commercials ay unti-unti niyang naipagawa ang bahay nila na aniya ay hindi pa tapos.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero may bago na naman siyang bahay mula sa premyo niya sa Your Face Sounds Familiar Kids bilang grand champion.

Bukod sa isang milyong pisong cash, tropeo, at trip of four to Jeju Island, South Korea ay nanalo rin si Awra ng house and lot mula sa sa isang ekslusibong subdibisyon sa Las Piñas.

Ipinagawa pa ang bahay na premyo kay Awra at makalipas ng dalawang buwan ay personal nang nai-turn over ang dalawang palapag na bahay na may sukat 54 square meters (floor area).

Ipinasilip ng batang aktor ang magandang bagong bahay niya sa ABS-CBN news at kumpleto na ito sa gamit. Gandang-ganda rin si Awra sa kuwarto niya, kaya nagpapasalamat siya sa lahat ng mga taong nakatulong sa kanya lalo na si Coco Martin na nakatuklas sa kanya at nagsama sa kanya sa FPJ’s Ang Probinsyano.