Jpeg

Pinaghahanap ng kanyang pamilya si Carlos Yabut y Ordanza, 64 anyos, biyudo, na iniulat na nawawala simula noong Mayo 6, 2017 makaraang umalis sa bahay ng kanyang pamilya sa 306 Isabel St., Lakeview Homes, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Biktima ng stroke si Lolo Carlos kaya papilay-pilay kung lumakad. Payat siya, nasa 5’7” ang taas, at nakasuot ng puting sleeveless shirt, puting shorts, at nakatsinelas.

Para sa sinumang nakakakilala sa kanya o nakaaalam sa kanyang kinaroroonan, tumawag lamang sa kapatid ni Lolo Carlos na si Milagros Yabut, 57 anyos, sa 0916-2146567.
BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas