Ni REGGEE BONOAN

PINURI nang husto ni Bianca King ang working atmosphere sa ABS-CBN sa isang panayam.

“I must admit, napakahirap noong umpisa, kakaiba silang gumawa ng teleserye. Natatandaan ko, pinagawa sa akin ‘yung mga eksena ko sa pilot week over and over again, until they got the right timpla of emotions and luha and voice and everything.

Bianca copy

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Ganu’n pala talaga silang magtrabaho. And I’m so happy to grow as a performer here. When I got the groove, it started to not feel like work again, kaya sabi ko talagang kailangan kong pagbutihan every taping kasi nakakahiyang magkamali,” kuwento ni Bianca.

Bagamat hindi naman ikinumpara ni Bianca ang ABS-CBN sa TV network na pinanggalingan ay halata na rin dahil sa papuri niya sa Dos.

Samantala, hindi maikakaila na maraming sumusubaybay sa Pusong Ligaw na pinangungunahan nina Bianca at Beauty Gonzales dahil parati itong trending sa social media ang confrontation scenes nina Tessa (Beauty) at Marga (Bianca), pati na ang nakakakilig na love story nina Pot (Diego Loyzaga) at Vida (Sofia Andres).

Pati male viewers ay na-hook na rin sa love story nina Sofia at Diego dahil sa kakaibang style ng huli at sasabayan pa ang linya ng awiting, “Ikaw pa rin… ang hanap ng pusong ligaw…”

Kuwento ng mga sumusubaybay sa serye, “Basta pagkakain ng lunch, uupo na kami ng kumare ko sa sala, waiting na kami sa Pusong Ligaw. Gustung-gusto ko sina Beauty at Bianca. Parang naaalala ko ang intense ng akting nina Jean Garcia at Eula Valdez saPangako Sa ‘Yo noon.”

Speaking of Beauty and Bianca, kung mortal na magkaaway ang drama nila sa serye, BFF naman ang peg nila in real life.

Magkaibigan ang dalawa at walang ginawa kundi maghuntahan kapag break.

Ayon kay Bianca, madali silang naging komportable ni Beauty sa isa’t isa.

“Yes, we became very close, it was part of the preparation that I did for the show. I love her. And she loves to travel as well. So we just did our first trip recently.”