Ni: Liezle Basa Iñigo

Naghasik ng lagim ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang limang minutong paulanan ng bala ang bahay ng isang retiradong military, na ikinasugat ng dalawang tao sa Barangay San Jose, Baggao, Cagayan.

Sa tinanggap na impormasyon ng Balita, dakong 9:00 ng gabi nitong Linggo nang umalingawngaw ang mga putok ng baril na tumagal ng limang minuto.

Anim na armado ang sinasabing nagpaulan ng bala sa bahay ni retired Sgt. Dexter Remudaro sa nasabing lugar, na ikinasugat ng isang 15-anyos na lalaki at ni Wilma Raquingan Buseco, 48 anyos.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog