Ni: Bella Gamotea

Arestado ang isang 25-anyos na lalaki makaraang putulin at nakawin ang mga halaman sa center island sa isang kalsada sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Gulat na gulat pa si Micahel Baking nang damputin ng mga tauhan ng Pasay City Traffic Enforcement Unit at narekober sa kanya ang isang sako ng mga halaman.

Base sa ulat, namataan ang suspek na nagnanakaw umano ng mga halaman sa center island sa EDSA Extension, dakong 3:00 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa presinto, inamin ng suspek na plano niyang ibenta ang mga halaman sa halagang P300 kada sako.

Ikinatwiran ni Baking na ito lang ang kanyang pinagkakakitaan upang buhayin ang dalawa niyang anak.

Napag-alaman na ito ang ikalawang pagkakataon na inaresto si Baking dahil sa kaparehong paglabag.

Posibleng maharap ang suspek sa kasong theft.