‘Wag mo akong sagarin, Charice

NABASA namin ang mahabang post sa Facebook ng lola ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco). Nakiusap si Thess Pineda na umuwi na sa mommy niya ang singer na Charice pa rin ang kanyang tawag.

CHARICE O JAKE copy copy

“Noon pa man ganyan na ang gusto mong gawin, gusto mong alisin ang Pempengco, ang dugo mo galing sa Pempengco at Relucio, ngayon sa pangalan na gusto mo, nasa NSO ba ‘yan. Pag namatay ka saan ka ililibing ng mga (tinakpan ang ginamit niyang salita) na walang pahintulot? Paghahanapin kong lahat ng naka-involve d’yan mga (bleep uli). Nuong ipinanganak ka nakarehistro ka sa gobyerno, ngayon saan ka pinarehistro ng mga satanas na nakapaligid sa ‘yo? Ako’y nananahimik lang, Charice, tirador din ako lalo na sa mali, ‘yan pamilyang ‘yan INC mga ‘yan pero kinukunsinti ka nila. Lahat ng sinabi ko, Charice nangyayari, alam mo ‘yan, ‘wag mo akong sagarin, anak.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

“Anak nakasagad na ako, sa mga pinaggagawa nila nagsawalang-kibo ako. Pero mga abusado sila nalagay R.I.P. CHARICE DI PINATAY NILA IBA ANG IHAHARA NILA. MAGKAKASUBUKAN NGAYON, ANAK. TULONG NYONG KAILANGAN KO, HUWAG BIGYAN NG MATWID ANG MGA TAONG GANYAN.”

Sinabi pa ng lola ni Charice na dadalhin niya ang kaso ni Charice o Jake sa NBI pati ang mga taong nasa likod ng pagpapalit ng pangalan ng apo at pati rin ang mga natuwa, ipapakulong niya.

May sinabi pa ang lola ni Charice o Jake na, “Hindi siya tomboy, ako ang makakapagsabi n’yan dahil ako ang nagpalaki sa kanilang lahat, lalo na sa batang ‘yan.”