LONDON (AP) — Isa pang prominenteng pangalan ang nasibak sa Queen's grass-court tournament.

Alsa-balutan ang fifth-seeded na si Jo-Wilfried Tsonga nang sibakin ni Gilles Muller 6-4, 6-4 nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa second round.

Nauna sa kanyang nagempake sina No.1 Andy Murray, No.2 Stan Wawrinka at No.3 Milos Raonic sa first round ng torneo na pampagana bago ang Wimbledon.

"Sometimes you cannot do anything because the guy in front of you is playing well and he's doing the right things to make you play in a bad way," pahayag ni Tsonga, runner-up dito noong 2011.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakaiwas naman ang sixth-seeded na si Grigor Dimitrov nang makabawi mula sa unang set na kabiguan tungo sa 4-6, 6-3, 6-4 panalo kay Julien Benneteau, 4-6, 6-3, 6-4.

Tanging si Marin Cilic, sasabak kontra Stefan Kozlov sa Huwebes (Biyernes sa Manila), ang nalalabing seeded player maliban kay Dimitrov, ang 2014 champion.

Nakalusot din si seventh-seeded Tomas Berdych nang gapiin ang matikas na 18-anyos na si Denis Shapovalov ng Canada, 7-6 (4), 6-7 (4), 7-5.

"This young kid is the future,"sambit ni Berdych, patungkol kay Shapovalov.