NI: Light A. Nolasco

PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Aabot sa P500,000 ang natangay makaraang pasukin at pagnakawan ng mga hindi pa kilalang kawatan ang Palayan City National High School sa Barangay Atate sa Palayan City, Nueva Ecija, nitong Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Joel Gallarde, 33, guro at residente ng Bgy. Magtanggol, Bongabon, laking gulat niya nang madiskubre ang kalat sa loob ng Computer Laboratory Room sa ikalawang palapag ng gusali.

Natuklasan ni Gallarde na bukas ang pinto at wala nang lahat ang pitong Acer computer set na nagkakahalaga ng P300,000, isang Epson projector na nasa P40,000, dalawang laptop computer, at iba pang gadgets sa laboratoryo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi naman ni Lanie Leonisio, isa ring guro at taga-Bgy. Sapang Bato, na nadiskubre niyang nilimas din ang mahahalagang gamit sa Room 1 ng gusali.