Ni: Rommel P. Tabbad

Walang pekeng bigas na nakapasok bansa.

Ito ang paglilinaw ni National Food Authority (NFA) public affairs’ chief Marietta Ablaza kasabay ng pagpawi sa pangamba ng publiko na posibleng kumalat na sa bansa ang umano’y fake rice.

Sinabi ni Ablaza na unang pumutok ang kahalintulad na balita noong 2015 matapos silang makatanggap ng kaparehong ulat ngunit hindi pa umano ito napapatunayan.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

Gayunman, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa mga merkado sa Metro Manila upang matiyak na hindi lulusot sa publiko ang pekeng bigas.