KRIS copy

Ni NITZ MIRALLES

“SHORT but significant” ang sagot ni Kris Aquino sa tanong ng isa niyang follower sa Instagram (IG) tungkol sa exposure niya sa Hollywood movie na hindi pa rin niya puwedeng banggitin ang title dahil ipinagbabawal ng production company.

Sa sagot na ito ni Kris, parang totoo ngang Sultana of Brunei ang role niya sa Crazy Rich Asians.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Bukod sa hindi puwedeng banggitin ni Kris ang titulo ng pelikulang ginawa niya, hindi rin siya allowed na sabihin ang kanyang role. Ipinagbawal din sa kanyang ipakita ang gown na isinuot sa shooting na gawa ni Michael Cinco. Kaya sabi niya, naka-hoodie siya o kaya’y may nakabalabal na blanket ‘pag nagpapa-picture.

Anyway, in fairness kay Kris, binati noong Father’s Day sina Phillip Salvador at James Yap, ang mga ama ng anak na sina Joshua at Bimby.

“These 2 are my inspiration, fulfillment, and my source of devoted appreciation & unconditional love... to Phillip & James, from Josh & Bimb-Happy Father’s Day. God bless you always.”