Mark Magsayo copy

IDEDEPENSA ni Mark Magsayo ang WBO International featherweight title kontra kay Daniel Diaz ng Nicaragua sa ALA Promotions “Pinoy Pride” series sa Hulyo 8 sa IEC Convention Center sa Cebu City.

Pangungunahan ni Magsayo (16-0-0, 12KOs) ang pitong Pinoy na sasabak sa ika-41 edition ng pamosong boxing card.

Nasa supporting bouts ang laban nina Philippines’ No. 1 Super Bantamweight Jeo “Santino” Santisima, WBO No. 12 Featherweight “Prince” Albert Pagara, at dating world title challenger Melvin “Gringo” Jerusalem.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sasabak din ang mga amateur standout na sina KJ Cataraja, Junrel Jimenez, Esneth Domingo, at Jino Macapobre.

Galing ang 33-anyos na si Diaz (23-7-2, 15KOs) sa unanimous decision win kontra Jorge Moreno nitong Abril.

Hindi naman magpapaghuli si Magsayo, walang talo sa nakalipas na 16 career fights mula nang maging pro, na naitala ang TKO win kontra kay Issa Nampepeche para maidepensa ang kanyang WBO International featherweight title.