Ni: Orly L. Barcala

Nalagutan ng hininga ang isang traffic enforcer matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Perfecto Martin, 53, nakatalaga sa Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) ng Caloocan City government, dahil sa mga tama ng bala ng cal. 45 baril sa katawan.

Base sa report, dakong 4:00 ng madaling araw, nakatayo si Martin sa harap ng kanyang bahay sa Bankers Village, Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makalipas ang ilang minuto, sumulpot ang dalawang lalaki na sakay sa motorsiklo at walang habas na pinagbabaril si Martin.

Nagsasagawa na ng follow-up operation sa insidente.