DIETHER copy copy

NGAYONG Sabado, handog ng Magpakailanman ang Father’s Day special tungkol sa viral na kuwento ng “Breastfeeding Dad”.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa Kapuso Network, pagbibidahan ni Diether Ocampo ang episode na pinamagatang “My Breastfeeding Dad: The Anton Ramos Story ” kasama si Miss World 2013 Megan Young.

Itatampok din sina Menggie Cobarrubias, Shermaine Santiago, Faith de Silva, Dentrix Ponce, Rafa Siguion-Reyna, Dave Bornea at Janna Trias.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mula nang magkakilala ay agad nahulog ang loob ni Anton (Diether) kay Cel (Megan). Dahil sa kakulitan ng binata, umibig din sa kanya si Cel. Hindi nagtagal, nagsama sila at nabiyayaan ng isang anak. Ngunit isang trahedya ang gigimbal sa kanilang munting pamilya na susubok kay Anton bilang asawa at ama.

Hihilingin ng kanyang asawa bago ito mawala na i-breastfeed ang anak, kaya si Anton ang magiging kaisa-isang breastfeeding father sa kilusan ng breastfeeding mothers. 

Mula sa direksiyon ni Neal del Rosario, huwag palalampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado (June 17) sa GMA-7.