Pinaulanan ng bala ang isang babae, na kilala umanong drug user at pusher, ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng karinderya sa Pasig City kamakalawa.

Dead on the spot si Danica Guerzon, 21, ng No. 10 GSIS Road, Barangay Rosario ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rolando Anselmo na ipinarating sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), naganap ang pamamaril sa Leo’s Eatery, na matatagpuan sa 2 GSIS Road, kanto ng Ortigas Avenue sa Bgy. Rosario, bandang 2:40 ng hapon.

Nasa loob ng nasabing karinderya ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at makailang beses pinaputukan ang una.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)