Sugatang isinugod sa ospital ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Rizal Medical Center ang mga biktimang sina Allan John Fernandez, 23, ng Mastrili Street, Barangay Bambang, Taguig City, at Joey Espiritu, 24, factory custodian, ng No. 15B MLQ Street, Bgy. Bambang.

Inaalam na ng Taguig City Police ang pagkakakilanlan ng dalawang armado na sakay sa motorsiklong walang plaka.

Base sa ulat, dakong 2:00 ng madaling araw naganap ang insidente sa Gen. Luna St., Bgy. Tuktukan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binabagtas ng mga biktima ang nasabing lugar nang sumulpot ang mga suspek at makailang beses binaril sina Fernandez at Espiritu.

Agad humarurot ang mga suspek nang makitang duguang bumulagta ang mga biktima. (Bella Gamotea)