Piolo copy copy

NAGING usap-usapan ngayong linggo ang pagtuntong ni Piolo Pascual sa bakuran ng GMA-7 nitong weekend. Kumalat ang tsismis na nakipag-meeting daw siya sa GMA executives kaya nakita siya sa Kapuso compound kamakailan.

Wala namang pretensiyong klinaro ng Kapamilya hearthrob sa launching ng 3 short films na proyekto ng Sun Life Financial ang tsismis.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Sinundo ko lang si Joyce (Bernal), ano ba?” natatawang sagot ng Kapamilya heartthrob nang dumugin ng media.

Nilinaw ng aktor na matagal na silang magkaibigan ng lady director, simula pa noong kasagsagan ng love team nila ni Judy Ann Santos.

Katwiran pa ni Piolo, mahirap para sa kanya na iwanan ang kanyang home studio dahil maraming nakaabang na proyekto sa kanya ang ABS-CBN.

Anyway, sa parehong SunLife preskon, sinigurado ng hunk aktor na nananatiling solid ang kanyang pagiging Kapamilya at Star Magic artist.

“I’m very much with ABS-CBN, I’m very much ABS and you know, I don’t have bad blood with anyone, it was done in a good faith. Nobody welcomed me in GMA as they were saying, I just went there to pick up Joyce and that’s it,” giit ng aktor.

Sinabi ni Piolo hindi siya nawawalan ng kontrata sa Kapamilya Network at sa katunayan, busy siya sa mga proyekto na kailangan niyang tapusin ngayong taon.

Sa ngayon ay puspusan ang shooting ng aktor sa Written In The Stars kasama si Toni Gonzaga. After ng Piolo-Toni, balitang nilulutong muli ng Star Cinema ang posibilidad ng balik-tambalang Juday-Piolo sa big screen.

Sa matipid niyang pahayag, “(With Toni), Yes, almost halfway through, we shoot twice a week kaya mabilis. Tuluy-tuloy kasi regular ang shoot namin,” sey ni Papa P.

With Juday-Piolo reunion film, tikom pa ang bibig ng aktor bagamat may senyales na sa nasabing project lalo na’t unti-unti na silang nagkikita’t nag-uusap gaya nga sa nakaraang Sun Life event. (ADOR SALUTA)