CABANATUAN CITY – Isang babae na hinihinalang miyembro ng drug trafficking syndicate ang nalambat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa buy-bust operation nitong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ng PDEA, mismong sa bayan ng Gabaldon naaresto si Mara Romero, 22, dalaga, ng Barangay MS Garcia, makaraang ikasa ang buy-bust operation sa Bgy. Poblacion sa Gabaldon, dakong 2:00 ng hapon, at masamsaman ng ilang plastic sachet ng hinihinalang shabu matapos makipagtransaksiyon sa pulis na poseur buyer.

Ayon kay Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) director Senior Supt. Antonio C. Yarra, batay sa record ng pulisya, si Romero ay miyembro umano ng Abergas-Gomez-Lapina drug syndicate na nag-o-operate sa ilang bayan sa Nueva Ecija. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog